ang mga prodyuser na lumikha ng mga produkto at magkaloob ng serbisyo upang
kumita. Ang supply ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang
ipagbili ng mga prodyuser sa iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon.
Batas ng Supply
Isinasaad ng Batas ng Supply na mayroong direkta o positibong ugnayan ang
presyo sa quantity supplied ng isang produkto. Kapag tumataas ang presyo, tumataas
din ang dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili. Kapag bumababa
ang presyo, bumababa rin ang dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang
ipagbili (ceteris paribus).
Ayon sa Batas ng Supply, sa tuwing ang mga prodyuser ay magdedesisyon
na magprodyus ng produkto o magkaloob ng serbisyo, ang presyo ang kanilang
pangunahing pinagbabatayan. Ipinapakita ng batas na ito na ang presyo ng produkto
o serbisyo sa pamilihan ang pangunahing batayan ng prodyuser sa paglikha. Dahil
dito, higit ang kanilang pagnanais na magbenta nang marami kapag mataas ang
presyo.

Ang graph sa itaas ay batay sa supply schedule na nasa talahanayan. Kung
ilalapat sa graph ang iba’t ibang kombinasyon ng mga presyo at quantity supplied
ay mabubuo ang supply curve para dito. Halimbawa, sa punto B ang presyo ay piso, sampu ang dami ng kendi na gusto at handang ipagbili ng prodyuser;
sa punto C na ang presyo ay dalawang piso, dalawampu ang dami ng
kendi na gusto at handang ipagbili ng prodyuser. Kung tutuntunin ang mga puntong ito
hanggang punto F ay makabubuo ng isang kurbang pataas o upward sloping curve.
Ang kurbang ito ay nagpapakita ng direktang ugnayan sa pagitan ng presyo at sa
dami ng gusto at handang ipagbili ng mga mamimili. Ang paggalaw sa kurba mula
punto B papunta ng punto C ay nagpapakita sa pagtaas ng supply ng sampung
piraso ng kendi. Kapag ang presyo naman ay bumaba ng piso makikita sa graph na
bumababa ang quantity supplied sa sampung piraso.
Naipaliwanag ang paksang suplay at demand,,,nakapagbigay ng halimbawa ukol dito.
TumugonBurahin